-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umakyat ng halos 300% ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan ng Iloilo ngayong taon.

Sa data ng Iloilo Provincial Health Office mula Enero hanggang Hunyo 24, umabot sa 107 ang cases na 296% na mas mataas kung ihahambing sa 27 na narecord noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Sa nasabing data, dalawa na ang binawian ng buhay.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Rodney Labis, head ng Health Service Delivery Division ng Iloilo Provincial Health Office, sinabi nito na karamihan sa mga kaso ang nakuha mula sa paglusong sa baha at sa mga palayan.

Dahil dito, ang mga local government units na may kaso ng leptospirosis ay nagsasagawa ng response activities at health promotion programs sa pamamagitan ng kanilang rural health units.

Kabilang na rito ang pagsasama sa meeting ng farmers association sa kanilang lugar at pagbili ng antibiotic na prophylaxis.

Ang mga personnel naman mula sa Provincial Health Unit ay lumilibot rin upang mag-augment sa mga bayan.