-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft at falsification laban kay dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si dating Makati City Mayor Jejomar “Junjun” Binay Jr.

May kaugnayan ito sa iregularidad umano ng pagtatayo ng Makati City Science High School building.

Base sa 86-pahinang resolution ng Special Fifth Division na kanilang pinayagan ang hiling ng Binay at mga co-accused nito na ibasura ang kasong graft and falsification of a public document dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Bigo umano ang prosecution na maglatag ng sapat na ebidensiya sa kaso kaya namayagpag ang basic constitutional guarantee na presumption of innocence.

Nagsimula ang kaso noong 2018 ng inatasan gn Office of th Ombudsman ang paghahain ng kaso laban sa mag-amang Binay dahil sa pakikipagsabwatan sa pagtatayo ng Makati Science High School building na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.

Pinaningan ng prosecutions ang mga testimonya ng mga saksi na sina engineer at dating empleyado ng Makati City na si Mario Hechanova, Atty. Renato Bondal, Senator Antonio Trillanes IV at dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado.

Nakita ng Special Fifth Division na walang direktang kaalaman ng mga witness sa mga inaakusa nila sa mag-amang Binay.

Dahil dito ay kinansela at ibinalik na rin ng Special Fifth Division ang ibinayad na bail bonds ng mga akusado at kanilang tinanggal na rin ang Hold Departure Order na inisyu sa kanila.