Tumaas ng 90% ang mga dinadapuan sa PH noong 2023 ng malaria o kaligkig na isang uri ng sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Base sa latest data mula sa Department of Health (DOH) Research Institute for Tropical Medicine, nakapagtala ang PH ng 6,248 kaso ng malaria nooong 2023, umakyat ito mula sa 3,245 na namonitor noong 2022.
Tanging ang Palawan naman mula sa 82 probinsiya sa bansa ang nananatiling may aktibong mga kaso na nakapagtala na ng 6,188 kaso ng malaria noong nakalipas na taon.
Ang ilang pagkasawi may kaugnayan sa sakit ay kasalukuyan ng iniimbestigahan.
Samantala, ipinaliwanag ng DOH na ang pagbabago ng klima at pagluwag ng mga restriksiyon kasunod ng pandemiya ang ilan sa posibleng dahilan sa pagtaas ng kaso sa naturang sakit.
Ilan sa mga sintomas ng impeksiyon sa malaria ay panginginig, lagnat, pinagpapawisan, pananakit ng ulo, pagkapagod, pananakit ng kalamnan, pasintabi po..pagduduwal at pagsusuka.