-- Advertisements --

Nadagdagan ng apat na kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng 16,398 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nadapuan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 10,048 naman ang gumaling na, 5,301 ang kasalukuyang nagpapagaling.

Aabot naman sa 1,049 ang bilang ng mga nasawi na.

Nangunguna pa rin ang Middle East at Africa sa rehiyon na mayroong pinakamaraming kaso na sinundan ng Europe.