NAGA CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) CamSur na mas lomobo pa ang bilang ng mga namatay sa lalawigan dahil sa dengue.
Sa pagharap ni Dr. Rey Millena ng Department of health (DOH) CamSur sa mga kagawad ng media, sinabi nitong sa ngayon 17 na ang naitalang namatay dahil sa nasabing sakit.
Ayon kay Millena, kung siseryosohin sana ng mga reaidente ang search and destroy activities at iba pang mga hakbang laban sa dengue, siguradong bababa ang bilang ng mga apektado nito.
Ngunit ayon kay Mellena nakakalungkot umano dahil sa lumalabas na halos 20% lamang sa mga lugar ang lumalahok sa mga clean up drive.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang DOH sa publiko na mag-ingat at sa mga hakbang laban sa dengue para hindi na lomobo pa ang bilang ng mga tatamaan.