Tumaas ng 20 percent ang kaso ng monkeypox sa buong mundo ayon sa World Health Organization.
Inihayag ni WHO Director-General Dr. Tedros Ghebreyesus na 7,500 kaso ang naiulat noong nakaraang linggo.
Sa kabuuan, mahigit 35,000 kaso ng monkeypox ang naiulat mula sa 92 bansa.
Ang karamihan ng mga kaso ay patuloy na naitala sa mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki o men who have sex with men.
Ang pangunahing pokus para sa lahat ng mga bansa ay dapat na tiyaking handa sila para sa monkeypox, at upang ihinto ang transmission gamit ang epektibong mga tool sa pampublikong kalusugan, kabilang ang enhanced disease surveillance, careful contact tracing, tailored risk communication and community engagement, at risk reduction measures.
Tulad ng karamihan sa mga viral na sakit, ang monkeypox ay maaaring kontrolin sa pamamagitan ng mga bakuna, isang bagay na sinasabi ni Ghebreyesus na mataas ang demand ngunit limitado ang supply.
Ngunit ipinaliwanag ni Dr. Rosamund Lewis, ang Technical Lead ng WHO para sa Monkeypox, na ang bakuna ay hindi isang “silver bullet.”
Ito ang dahilan kung bakit nananatiling mahalaga para sa mga indibidwal na gumawa ng iba pang kinakailangang pag-iingat kabilang ang pagbabawas ng kanilang bilang ng mga sexual partners at pag-iwas sa group or casual sex.
Nilinaw naman ng mga eksperto na ang pakikipagtalik ay hindi lamang ang paraan na mai-transmit ang virus.