-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 15 ang kaso ng mpox sa bansa.
Sa nasabing bilang ay 11 dito ay mula sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Cagayan Valley.
Karamihan sa mga pasyente ay lalaki at iisa lamang ang babae kung saan hindi na binanggit pa ng DOH ang kanilang pagkakakilanlan.
Lahat aniya ng mga mpox cases ay isang uri ng Clade II na mas madali umano itong magamot.
Paglilinaw ng DOH na wala pang dapat ipangamba sa nasabing bilang dahil hindi naman airborne ang nasabing virus.
Maari lamang mahawa kapag magkaroon ng matagalang pagdikit ng balat ng dalawang tao.