-- Advertisements --
Umabot na sa halos 13,000 ang kaso ng mga namamatay sa COVID-19 kada linggo sa China.
Halos lahat umano ng karamihan sa populasyon ay nahawaan na. Ang bilang ng mga nasawi naman sa isang buwan ay na sa 60,000.
Ayon naman sa Center for disease Control and prevention o CDC ng China, na 681 pasyenteng naospital ang namatay dahil sa respiratory failure na dulot ng impkesyon sa coronavirus at 11,977 naman ang namatay dahil sa iba pang mga sakit na sinamahan ng impeksyon sa panahon.
Samantala ang bilang araw-araw ng pagkamatay ng COVID-19 sa China ay tumaas sa humigit-kumulang 36,000 kaugnay pa rin sa holiday ng Lunar New Year 2023.