Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang kaso ng mas nakakahawang Omicron subvariant BQ.1.
Base sa latest COVID -19 bio-surveillance report ng Department of Health (DOH), lumobo na sa 17 ang kabuuang kaso ng BQ.1 sa bansa kung saan nadiskubre ang local case nito sa Western Visayas.
Itinuturing ng European Center for Disease Control ang BQ.1 sublineage ng Omicron BA.5 na variant of interest.
Pinaniniwalaan din ito na mas nakakahawa at immune-evasive na siyang dahilan ng pagsipa ng covid-19 infections sa Amerika, United Kingdom at sa bahagi ng Europa.
Liban dito, nakapagdetect din ang bansa ng 115 bagong dinapuan ng omicron subvariants kung saan nasa 64 ay infected ng BA.2.3.20, 42 kaso ng XBB, 2 bagong kaso ng BA.5, at 6 sa iba pang omicron sublineages, at 2 bagong dinapuan ng XBC na recombinant ng delta at omicron.