-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng bilang ng mga nadudukot sa bansa.
Base sa kanilang datos na mayroong apat lamang na kaso nitong Enero ang naitalang pagdukot.
Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa anim na kaso noong Enero ng nakaraang taon.
Resulta ito aniya ng patuloy na kanilang information drive sa publiko para tuluyang mapababa ang kaso ng pagdukot.
Ipinaalalahan nila na agad na isumbong sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang indibidwal na gumagala sa kanilang lugar.