-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na “isolated” case lamang ang pagkamatay ng isang inmate sa Manila City Jail na inflicted ng “flesh-eating bacteria.”

Ayon kay BJMP Spokesperson SInsp Xavier Solda, walang dapat ipangamba ang mga kamag-anak ng mga preso o mga persons deprived of liberty (PDL) dahil maayos ang facility ng Manila City Jail.

Unang nakakulong sa Manila Police District Station si Baluran bago inilipat sa Manila City Jail.

Nilinaw ni Solda na ang detainee na si Gerry Baluran ay mayroon ng flesh-eating bacteria bago pa man ito nakulong.

Tiniyak ni Solda na ang ganitong mga kaso ay hindi nila sinasa-walang bahala.

Sa katunayan na confine sa medical dispensary si Baluran kung saan 24/7siyang mino monitot ng mga nurses at doctors.

Giit nito na ito ang kauna unahang pagkakataon na naka encounter sila ng ganitong kaso.

Aniya, bago pa ikulong ang isang PDL isinasailalim muna ito sa medical examination ng sa gayon mabatid kung may sakit itong nakakahawa at kanila ito hinihiwalay.

Siniguro naman ni Solda na sapat ang kanilang gamot para sa mga preso.