-- Advertisements --
airport personnel lumunok ng dollar

Inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang kaso ng isang airport screening personnel na sangkot sa umano’y pagnanakaw ng $300 mula sa isang pasahero ay “isolated” at hindi kumakatawan sa buong tourism workforce ng Pilipinas.

Naniniwala si Frasco na ang kaso ay hindi makakaapekto sa sektor ng turismo, na binanggit ang maraming dahilan para mahalin ng mga turista at patuloy na bumisita sa Pilipinas.

Muling iginiit ni Frasco na ang sektor ng turismo ay patuloy na nagbibigay ng trabaho sa milyun-milyong Pilipino at ang krimen laban sa isang turista ay itinuturing na isang krimen laban sa ating bansa.

Aniya, mula sa DOT, buong-buo itong sumusuporta sa mga hakbang ng Department of Transportation na ibigay ang pinakamataas na parusa sa taong sangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Kung matatandaan, naganap ang insidente noong Setyembre 8 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kung saan nakita ang isang screening officer na sadyang nilulunok ang umano’y mga dollar bills na ninakaw mula sa isang papaalis na pasahero.