DAVAO CITY – Ikinababahala ng Philippine Mental Health Association ang pagtaas ng kaso ng pagpapatiwakal sa Davao Region.
Ayon kay Choefilo Limikid, Executive Manager ng PMHA – Davao Chapter mahigit 100% na ang mga naitalang suicide cases sa rehiyon.
Base sa datos sa PMHA – Davao, umabot na sa 53 ang recorded cases sa suicide kung saan karamihan sa mga biktima mga minor de edad na nasa edad 13 hanggang 20 anyos.
Aminado si Limikid na huli na ang naging pagtugon sa mga kaso sapagkat imbes na preventive ay naging reactive na ang naging pamamaraan ng publiko sa pagsagot sa mental health crisis.
Kung kaya kakailanganin na masubaybayan ang mental health sa isang indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang pag aaruga at tamang pag aalaga sa pisikal na kalusugan ng isang tao.
Aniya, ang magandang relasyon ng isang indibidwal sa kapwa tao na siyang susi ng mabuting pananaw.
Sakabilang dako, isa sa mga itinuturing na balakid sa kampanya laban sa suicide ang presensya n social media kung saan ipinapakita sa mga biktima ang validation at pagtanggap na hindi nila naramdaman sa kanilang pamilya.