Sa kabila ng mga kaso ng pagpaslang sa mga abogado sa bansa, siniguro ng National Bureau of Investigation sa mga kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines na kanila itong tututukan.
Sa isang pahayag, sinabi ni NBI Director Jimmy Santiago, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay bibigyan nila ito ng prayoridad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Ginawa ni Santiago ang pahayag matapos ang naging courtesy call sa kanyang opisina NG mga kinatawan ng IBP.
Bago naging direktor ng NBI, si Santiago ay abogado at naging piskal at huwes .
Tiniyak rin nito na bibigyan nila ng proteksyona ng sinumang abogado na may mga banta sa buhay.
Hahabulin rin nila ang mga pekeng abogado na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad kabilang na ang pagbibigay ng notarial services.
Ito aniya ay nakakasira sa pangalan at dignidad ng lehitimong mga abogado sa bansa.