Inanunsyo ng Philippine National Police nitong Sabado ang paglikha ng isang special task force (STF) para tugisin ang mga natitirang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo
Ayon kay Philippine National Police spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nagsagawa ng pagpupulong si “STF Degamo kasama ang mga kinatawan mula sa Office for Transportation Security (OTS), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para talakayin ang progreso ng imbestigasyon
Dagdag pa ng Pulisya malapit na umanong malutas o makita ang resolusyon ng kaso, sinabi rin niya na ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay nagsasagawa ng pursuit operations upang mahuli ang mga natitirang suspek
Samantala, ang National Bureau of Investigation naman ay nag-aayos ng mga legal na dokumento kaugnay sa mga isiniwalat ng apat na naarestong suspek.
Sa ngayon, naniniwala ang joint task force na ang natitirang mga suspek ay nasa Negros Oriental pa rin kung kaya naglagay na ng mahigpit na ng random checkpoint sa ilang mga kalapit na probinsya ang ahensya.