-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine National Bumaba ng 49.20 percent ang bilang ng mga index crime na naitatala sa bansa.

Ayon kay Directorate for Investigation and Detection Management o DIDM Director Police Major General Marni Marcos, kung ikukumpara sa 5, 124 na index crime noong January 2020, bumaba ito sa 2, 603 ngayong January 2021.

Kabilang sa index crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.

Paliwanag naman ni Marcos, bumaba ang mga krimen dahil sa paghihigpit sa quarantine at dahil na rin sa enhanced managing police operations.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng non-index crime kabilang dito ang physical injury.

Ayon kay Marcos, kumpara sa 15, 242 noong January 2020 ay tumaas ito sa 16, 276.

Saklaw naman nito ang ibat-ibang maliit na krimen at paglabag sa ordinansa.

Sinabi ni Marcos, marami kasing mga violator sa community quarantine kaya marami rin silang naitalang index crime.