Patuloy na tumataas ang kaso ng pertussis o whopping cough sa Pilipinas simula ng magumpisa ang 2024 kung saan pumalo na ito sa 1,566 base sa datos ng Department of Health.
Karamihan sa mga dinapuan ng sakit ay mga bata.
Ayon kay Health ASec. Albert Domingo, hindi pa nakikitang bababa sa lalong madaling panahon ang mga kaso ng pertussis at inaantay na makita ang epekto ng ginagawang pagbabakuna laban sa naturang sakit.
Inaasahan naman ng DOH na darating sa lalong madaling panahon ang 3 million doses ng pentavalent vaccine na magbibigay ng proteksiyon laban sa pertussis.
Liban dito, bumili ang DOH ng karagdagang 5.1 million doses ng bakuna sa gitna ng nakaambang kakapusan ng pentavalent vaccine sa Mayo dahil paubos na ang stocks ng pamahalaan.
Nakatakda ding magsagawa ng emergency procurement ang DOH ng mga bakuna para mapigilan ang hawaan ng pertussis sa bansa.
Matatandaan, nagdeklara ng outbreak ng pertussis ang ilang lugar sa bansa kabilang na ang Quezon city, Iloilo at Cavite