-- Advertisements --
Tumaas ang kaso ng polio sa Pakistan.
Ayon sa health authorities sa Pakistan na mayroong kabuuang 39 na kaso ang naitala ngayong taon lamang.
Ang mga kaso ng wild poliovirus type 1 (WPV1) ay may tatlong naitala sa Balochistan, dalawa sa Sindh Province at isa sa Khyber Pakthtunkhwa.
Tanging ang Pakistan at Afghanistan ang mga natitirang bansa na endemic pa rin ang polio.
Una kasi kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang 18 kaso ng polio sa Afghanistan.
Aminado ang mga otoridad na hirap silang kumbinsihin ang mga tao na magpabakuna laban sa polio.
Kaya gumagawa na ng hakbang ang WHO para tuluyang masawata ang polio.