DAVAO CITY – Nakakabalaha na ang paglobo ng kaso ng rape sa rehiyon XI. Kinumpirma mismo ng Police Regional Office 11 na sa loob lamang ng apat na buwan nitong taong kasalukuyan ay lagpas isang daan na ang natalang kaso ng rape sa rehiyon.
Ayon kay Police Regional Police Office XI Spokesperson Atty. PLtCol. Eudisan Gultiano, nasa 128 na ang natalang rape cases sa Davao Region.
Sa nasabing bilang, pinakataas ang natalang kaso sa Davao City Police Office na nasa 35, samantalang 32 naman sa Davao del Norte, 26 sa Davao del Sur, 18 sa Davao de Oro, 11 sa Davao Oriental, at anim na mga kaso sa Davao Occidental.
Sa ngayon ay sub-sub ang ginawang kampanya ng kapulisan sa rehiyon upang mapigilan ang lumulubong kaso ng panghahalay. Kagaya na lamang ng programa ng DCPO na Oplan KILOS kon Kababainhan/Kalalakin-an/Kabatan-unan Igiya Laban sa Pagpanlugos na ikinasa noong Marso.
Patuloy naman ang panawagan ng PRO11 sa ibang ahensya na tulungan ang kapulisan na mapigilan ang naturang krimen.