-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Inaasahan na tuloy tuloy ang pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa probinsiya ng Benguet.
Ito ay matapos bumaba ang kaso ng teenage pregnancy na nailista ng nasabing probinsiya sa nagdaang dalawang taon.
Sa datos ng Provincial Health Office (PHO), 1,046 ang bilang mga kabataan ang nanganak noong 2017 at bumaba ito ng 549 noong 2018 at lalong bumaba pa ng 239 noong 2019.
Ayon kay Provincial Health Office Medical Health Officer Antonette Agpas, ang pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy ay dahil sa mga iba’t-ibang programa na ipinatupad ng gobyerno at iba pang mga grupo.