-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Health (DoH) na bumaba na ang kaso ng tigdas sa bansa.
Pero ayon kay Health Sec. Francisco Duque, kahit bumaba na ang kaso ng tigdas ay nananatili pa rin ang measles outbreak sa apat na rehiyon sa bansa.
Paliwanag ni Duque, babawiin lamang ang tigdas outbreak kapag naabot na ang 95 percent immunization rate para sa lahat ng vaccine-preventable diseases.
Sa ngayon, under control na raw ang kaso ng tigdas sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, Central at Western Visayas.
Maalalang daan-daan na ang namatay dahil sa tigdas dito sa Pilipinas sa mga nakaraang buwan.