LA UNION – Umabot na sa 667 ang kaso ng tignas sa buong Region 1 hanggang Feb 28, 2019.
Ayon kay Ma. Eloisa Sarmiento, Nurse 5 ng Department of Health Region 1, tumaas ito ng 852 percent kung ihahambing noong nakaraan taon sa kaparehong period na 80 lang ang nailistang kaso.
Mula sa nasabing bilang, pinakamarami rito ang lalawigan ng Pangasinan na nasa 547, La Union 82, Iocos Sur 25 at Iocos Norte 13.
Nasa 16 na rin ang namatay kung saan ang mga biktima ay pawang mga bata na mula sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa kabila ng mataas na bilang ay hindi pa umano ito maikokonsidera na outbreak dahil sa kontrolado pa ang sitwasyon ayon kay Sarmiento.
Kung maalala, umabot sa 353 ang naitalang kaso sa Region 1 noong Pebrero 1 kung saan tumaas ito ng 488. 3 percent.