-- Advertisements --
ILOILO CITY – Lumobo ng halos 2,000 ang kaso ng tigdas sa Western Visayas.
Ayon kay Dr. Mary Jane Juanico, medical officer 3 ng Department of Health (DOH)-6, umaabot sa 1,907 ang kabuuang kaso ng tigdas na na-record simula Abril 17.
Ang Negros Occidental ang may pinakamaraming kaso na umaabot sa 600; Iloilo na may 419; Antique na may 307; Bacolod City na may 176; Iloilo City na may 106; Capiz na may 102 at Guimaras na may 23.
Anim naman ang patay dahil sa nasabing sakit kung saan apat dito ang nanggaling sa Negros Occidental, isa sa Sibalom, Antique at isa rin sa Roxas City, Capiz.