-- Advertisements --
Nangamba ang World Health Organization (WHO) sa muling pagtaas ng kaso ng tuberculosis sa buong mundo.
Ito ang unang pagkakataon na tumaas muli ang nasabing kaso matapos ang ilang dekada.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na itinuturong dahilan ay hindi gaanong natutukan ang sakit dahil sa COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ng WHO head na nararapat na gumawa na ng hakbang ang bawat bansa para mapigil ang paglala ng mga kaso.
Aabot na sa ngayon sa 4.1 milyon katao ang mayroong TB sa buong mundo habang nasa 2.9-M ang hindi opisyal na diagnosed at naideklara na mayroong TB mula pa noong 2019.
Pumapangalawa kasi ang TB sa deadliest infectious disease kasunod ng COVID-19 na mula sa bacteria na kadalasan ay nakakapekto sa baga.