-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang di umanoy kaso ng vote-buying sa probinsya ng Abra.

Una nang ibinalita ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na kasali ang Abra sa mga lugar kung saan masaklap ang insidente ng vote buying at vote selling.

Aniya, mayroon nang 15 reports na may kinalaman sa kaso ng pagbili at pagbebenta ng mga boto ang naiyendorso sa Commissions on Elections- Cordillera.

Ayon pa kay Belgica, marami silang natanggap na litrato at video ng pagbili ng boto sa iba’t ibang lugar sa nasabing sa bansa.

Sinabi niya na kasama dito ang Abra, Isabela, Santiago City, Misamis Occidental, La Union, Manila, Muntinlupa, Pasay at iba pa.