CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot na sa 20 ang kaso ng vote-buying mula sa isang lungsod at tatlong probinsya ng Northern Mindanao.
Ayon kay Pol. Brig. Gen. Rafael Santiago, Jr., ang regional director ng Police Regional Office-10, kabilang sa may pinaka maraming kaso ang naitala sa bahagi ng Iligan City (7), Lanao del Norte (5), at tigdalawang kaso mula sa probinsya ng Bukidnon at Misamis Occidental.
16 katao ang naaresto ng mga otoridad na may kaugnayan dito.
Mahigit P1-milyon ang halaga nga salapi na sanay pambili ng mga boto ang nasabat ng mga operatiba sa nasabing mga lugar
Samantala, nasa 347 assorted loose firearms ang naisurrender ng rehiyon.
Tumaas pa sa 187 ang nakumpiska sa pamamagitan ng police check points at pag-issue ng search warrants, kung saan nasa 193 katao ang inaresto.
Kasong paglabag ng election gun ban at illegal possession of firearms ang isinampa laban sa mga suspek.