-- Advertisements --
Nilinaw ni Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon na malakas ang kaso laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde, ngunit binibigyan pa rin nila ng posibilidad na malulusutan ang kaso.
Ayon kay Gordon, kaya paulit-ulit niyang sinasabi na maghanap ng magaling na abogado si Albayalde, para mapanindigan nito sa korte ang kaniyang argumento.
Sa pagsusuri umano nila ng mga ebidensya, nakitaan nila ng maraming butas ang sistema ng PNP, kaya may mga tiwaling nakakalusot sa mga kinakaharap na usapin.
Gayunman, gagawin umano nila ang lahat para matulungan ang DoJ at Ombudsman para sa mga ebidensyang nakalap sa mga pagdinig.
Inaasahan ding masusundan pa ng isang hearing bago tuluyang isara ang Senate inquiry sa “ninja cops.”