LEGAZPI CITY – Ipinapaubaya na lang ng pamilya ni Joemel Advincula o alyas Bikoy ang mga kasong kinakaharap nito sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrobersiyal na ”Ang Totoong Narcolist Video.”
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Joseph Advincula kapatid ni Bikoy, buo umano ang suportang kanilang ibinibigay kay Joseph na nahaharap sa mga kasong cyber libel na isinampa ng mga pinangalanan niya sa kontrobersiyal na video.
Kinumpirma naman nito na nakakatanggap pa rin ang kanilang pamilya ng mga death threat subalit ipinapasa-Diyos na lamang ito.
Ayon pa kay Joseph, nasa mabuting kondisyon ngayon si Bikoy at handa ng humarap sa korte matapos na maospital nang mahirapang huminga at sumakit ang ulo.
Maalalang si Bikoy ang lalaki na nasa video na nagpangalan kay Pangulong Rodrigo Duterte at kaalyado nito na umano’y sangkot sa iligal na droga, bagay na binawi rin nito ng sumuko sa mga otoridad.
Sa huli niyang pagbaligtad, isinabit naman nya sa tangkang destabilisasyon si Vice President Leni Robredo, Sen. Risa Hontiveros, ilang mga obisyo at iba pa na nasa oposisyon.