Nababagalan ang pamunuan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa takbo ng kasong may kaugnayan sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ayon kay PNP-AKG Director Pol. S/Supt. Glen Dumlao, sa ngayon ang pinag-uusapan pa lang sa mga hearing ay ang motion to bail nina P/Supt. Raphael Dumlao at SPO3 Ricky Santa Isabel na kanilang tinututulan.
Nabatid na mag-iisang taon nang dinidinig ang kaso pero hindi pa rin umano tinatanggap ng korte ang alok naman ni SPO4 Roy Villegas na maging state witness sa kaso dahil tinututulan ito nina Dumlao at Sta Isabel.
Pahayag ni Dumlao na “air tight” ang kaso laban sa dalawa batay sa mga naunang pahayag ng mga testigo partikular na ang kasambahay na si Marissa Murquicho.
Sina Dumlao at Sta. Isabel ang itinuturong dumukot at pumatay sa loob ng Kampo Crame kay Jee, eksakto isang taon na bukas.
Kasama nila sa kaso sina Chairman Gerry Santiago ng GREAM funeral services, SPO4 Roy Villegas, at National Bureau of Investigation employee na si Gerry Omlang.
Umaasa si Dumlao na magkakaroon na ng linaw sa kaso at managot ang mga may sala.