Ibinasura na ng korte sa Argentina ang mga kaso laban sa tatlong umanoy suspek na may kinalaman sa pagkasawi ng dating One Direction member Liam Payne.
Ang mga absuwelto sa kaso ay sin Rogelio Nores, isang negosyanteng Argentinian na may US citizenship at kasama ni Payne sa Buenos Aires.
Kasama rin ang manager ng CasaSur Hotel na si Gilda Martin at Esteban Grassi ang main receptionist ni Payne.
Pinapanatili pa rin ng korte ang dalawang suspek sa kostodiya ng mga kapulisan.
Ang dalawang suspek ay sila umano ang nasa likod ng pagbebenta ng iligal na droga sa British boyband star.
Magugunitang nahulog sa balcony ng hotel ang 31-anyos na si Payne kung saan lumabas sa pagsusuri ng toxicology na ito ay may alcohol, cocaine at antidepressant sa kaniyang katawan.