-- Advertisements --

Hindi pa ikinukonsidera ng San Jose Del Monte, Bulacan-Philippine National Police na sa sarado na ang kaso kaugnay sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya sa nasabing lugar.

Ito’y kahit inamin ng itinuturing na principal suspect na si Carmelino Ibanez ang krimen at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Ayon kay P/Supt. Fitz Macariola, acting police chief ng San Juan Del Monte, open pa ang kaso at hanggang sa ngayon ay patuloyang kanilang imbestigasyon.

Sinabi ni Macariola na lahat ng posibleng anggulo sa brutal na pagpatay ay kanilang tinitignan upang matukoy kung ano ang punot dulo ng insidente at kung sinu-sino pa ang mga posibleng nasa likod ng masaker.

Inihayag ni Macariola na ngayong araw ay kanilang iimbestigahan ang mga naging testimonya ni Ibanez.

Dagdag pa ni Macariola, hindi nila maaaring paniwalaan ng buo ang mga inamin ng suspek dahil nasa impluwensya pa ito ng iligal na droga.