Nakapagtala na naman ng 31 panibagong kaso ng coronavirus disease( COVID-19) ang Cebu City ngayong Linggo, Mayo 3.
Base sa tala na inilabas ng City Health Department, nagmula ang mga nagpositibo sa Tres Borces, Mabolo, 2; 1 sa Spolarium, Duljo; 1 sa Abellana, Guadalupe; 1 sa Carreta; 22 sa Brgy. Mambaling; 1 sa San Isidro, Inayawan; 2 sa Labangon; at isa sa Sitio Mary Grace Budlaan.
Umabot na sa 65 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa Brgy. Mambaling habang 127 naman sa Brgy. Labangon.
Sa ngayon nasa 910 na ang kabuuang kaso ng nasabing virus nitong lungsod kung saan 7 na ang namatay at 22 na ang nakarekober.
Samantala, nakapagtala naman ng 60 kumpirmadong kaso sa COVID-19 ang lungsod ng Mandaue kung saan pinakamataas na naitala sa loob lang ng isang araw.
Nagmula ang lahat ng panibagong positibong pasyente sa Mandaue City Jail Facility.
Tumaas ang bilang nito dahil sa isinasagawang massive testing sa mga inmates ng nasabing pasilidad.
Dinoble naman ang oras ng City government upang makumpleto ang preparasyon sa BJMP facility na magsisilbing quarantine facility para sa mga BJMP inmates at personel na magpositibo sa COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 89 na ang kaso ng nasabing virus sa lungsod kung saan 2 ang gumaling at 2 din ang namatay.