DAVAO CITY – Mas hinigpitan pa ng Davao City Health Office ang kampanya nito laban sa Dengue lalo na sa mga lugar na nakonsiderang hotspot areas sa lungsod ng Dabaw.
Una ng inibunyag ni Melodina Babante, CHO – Pest Control Worker II, na umabot na sa 2,015 ang kaso ng dengue na natala sa lungsod mula Enero hanggang Nobyembre nitong kasalukuyan, di hamak na mataas ito kung ihahambing sa 1,481 na natala sa buong taon ng 2021.
Ayon kay Babante, posibleng rason sa pag akyat ng kaso sa dengue, ay ang unti unting paglabas ng mga tao kung saan ay hindi na natututokan ang paglilinis ng mga posibleng bahayan ng lamok.
Base sa datus ng CHO, napag alaman na karamihan sa mga nagkasakit ng dengue ay mga batang nasa 5 hanggang 9 na taong gulang.
Kung kaya’t paalala ng CHO na palaging maglinis at alisin ang mga bagay na napundohan ng tubig dahil marahil ito ang nagiging pugad o breeding site ng lamok na nagdadala ng naturang sakit.