-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril-patay sa isang magsasaka sa Brgy. Velasco, Tayum, Abra.

Ito na ang ikatlong insidente ng pamamaril simula noong naipatupad ang enhanced community quarantine.

Nakilala ang biktima na dead on the spot na si Alejandro Padagas, 59.

Sa inisyal na ulat ng Tayum Police Station, nakaupo umano sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang bigla itong lapitan ng suspek at saka binaril nang maraming beses sa iba’t ibang parte ng katawan na siyang sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Agad naman umanong nakatakas ang suspek ngunit pinaghahanap na ito ng mga otoridad upang harapin ang kasong maisasampa laban sakanya.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng 12-gauge shotgun.