-- Advertisements --

Inirekomenda na ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng pormal na kasong kriminal laban sa Kapa-Community Ministry International, maging sa founder nito na si Joel Apolinario at iba pang opisyal ng nasabing investment group.

Batay sa DoJ resolution, nakitaan ng sapat na batayan ang reklamo ng SEC na nilabag ng KAPA ang Securities Regulation Code (SRC) nang mag-operate ito at mangalap ng investment kahit walang sapat na permit at secondary requirements.

Kabilang sa mga pinakakasuhan sina Joel Apolinario, Reyna L. Apolinario at Margie A. Danao para sa paglabag sa Section 8(8.1) ng SRC;

“The SEC also found KAPA to have employed a Ponzi scheme, an investment program that offers impossibly high returns and pays investors using the money contributed by other investors. This qualifies as a fraudulent transaction prohibited under Section 26 of the SRC,” saad ng DoJ resolution.

Para naman sa paglabag sa Cybercrime Law, pinakakasuhan ang mag-asawang APolinario, Margie A. Danao, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Marisol M. Diaz and Reniones D. Catubigan.

“The SEC has pushed for a penalty one degree higher, considering the use of Facebook and YouTube in the illegal investment scheme,” dagdag pa ng pahayag mula sa DoJ.