-- Advertisements --
KAPA JOEL APOLINARIO 2

Maaaring masundan pa ng mabibigat na kaso ang inihaing criminal complaint laban sa founder at iba pang opisyal ng Kabus Padatuon (KAPA) investment group.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Aquino, dahil sa iba pang mga paglabag sa batas na ginawa ng KAPA officials.

Nitong Martes ng hapon, tuluyang sinampahan ng paglabag sa Securities Regulation Code (SRC) ang mga sangkot sa investment sacm, partikular na ang lider nitong si Joel Apolinario, asawang si Reyna Apolinario at Margie Danao.

Damay din sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan sa pagpopromote ng scam.

Hindi naman inaalis ng SEC na madamay sa mga susunod na reklamo ang mga tauhan ng KAPA na nagpapakalat ng fake news, kasama na ang mga nagpoprograma sa radyo, telebisyon at internet para manghikayat ng mabibiktima, kahit kanselado na ang registration ng nasabing grupo.