Sasailalim sa pagdinig sa kanyang kaso ang Brazilian superstar na si Neymar da Silva Santos, Jr. dahil sa umano’y mga iregularidad sa kanyang paglipat noon sa ibang team na halos isang dekada na ang nakalipas sa Barcelona, Spain.
Ang trial sa kaso ni Neymar, ay gagawin isang buwan bago magsimula ang pinakamalaking sporting event ang World Cup sa Qatar sa Nobyembre kung sang kasama ang Brazil.
Ang paglilitis ay magbubukas sa Barcelona sa Lunes kasunod ng isang taon umano niyang paglipat noong 2013 mula sa Brazilian club kung saan kasama ng 30-anyos na star pati ang kanyang mga magulang, na nagma-manage sa kanyang career.
Kaugnay niyan, ang tatlo ay nahaharap sa kasong katiwalian ukol sa mga negosyo.
Una rito, kung mapatunayan umanong nagkasala ang Paris Saint-Germain forward, siya ay maaaring maharap sa dalawang taon sa bilangguan at multa na 10 million euro o umaabot sa $9.7 milyong dolyar. (with report from Bombo Allaiza Eclarinal)