-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan 4th Division ang mga kasong kinakaharap nina dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napenas kaugnay ng pagkamatay ng Special Action Force (SAF) 44 sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

Batay sa 18 pahina ng resolusyon, sinabi ng anti-graft court na walang nakitang sapat na basehan para idiin sina Purisima at Napenas.

Matatandaang 44 na SAF troopers ang namatay sa pangyayari, makaraang kuyugin ito ng daan-daang armadong rebelde.

Sumugod doon ang SAF members para arestuhin ang dalawang terorista na nasasangkot sa iba’t-ibang kaso.

Dahil sa pagkakabasura ng reklamo, pinababalik na rin ang inilagak na pyansa ng dalawang dating opisyal.

Una rito, ibinasura na rin ang kaso laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.