Inirekomenda ng Bureau of Corrections Board of Inquiry ang paghahain ng mga kasong administratibo laban sa ilang opisyal ng ahensya matapos ang matagumpay na pagkakatakas ng isang Bilibid Inmate noong July 7 ng kasalukuyang taon.
Mahaharap ang ilang opisyal ay prison guards sa kasong gross neglect of duty dahil sa naturang insidente.
Matapos ang isinagawang imbestigasyon, natuklasan na hindi nagsagawa ng vehicle inspection mirrors ang mga naka duty na guard sa mga sasakyan na lumalabas sa compound ng bilibid.
Bahagi ito ng naging ulat ni Bureau of Correction Director General Gregorio Catapang Junior.
Ayon kay Catapang, isusunod na nila ang paghahain ng mga kasong kriminal sa ilang mga opisyal ay prison guard ng national penitentiary.
Kung maaalala, nakalabas ng Bilibid ang inmate na si Michael Cataroja matapos nitong sumabit sa loob ng Garbage Truck.
Batay naman sa isinagawang polygraph test ng National Bureau of Investigation, pinatunayan nito na hindi nagsisinungaling si Cataroja.