-- Advertisements --

Ibinasura ng isang korte sa Canada ang kasong paninirang puri na isinampa ng Iglesia ni Cristo (INC) laban sa Canadian Broadcasting Corporation (CBC) kaugnay ng isang serye ng imbestigasyon noong 2018 na naglalaman ng mga alegasyon ng katiwalian sa loob ng kapilya.

Ayon kay Justice Kenneth Champagne ng The King’s Bench sa Winnipeg Centre, ang kasong isinampa ng INC noong taong 2019 ay upang pigilan ang patuloy na pagpapalabas ng mga alegasyon ng CBC na may kaugnayan sa pera, pagdukot, at pagpatay umano sa loob ng simbahan.

Sa naging desisyon ng korte, ang INC ay paulit-ulit na hindi aniya sumusunod sa mga patakaran ng korte, kabilang na ang hindi pagbibigay ng mga dokumento. Inilalarawan pa ng korte na ang mga aksyon ng INC ay isang ”pang-aabuso sa proseso ng korte.”

Samantala sa kabila ng pagkatalo sa korte, umaasa ang mga taga-usig ng kapilya na magsilbing precedent ang desisyon na ito ng korte sa Canada para sa mga susunod na kaso na maaaring ilaban muli sa pamunuan ng INC laban sa kanilang mga kritiko.