ROXAS CITY – Ibinasura ng korte ang kasong syndicated estada na isinampa laban sa itinuturong utak sa kontrobersiyal na Forex Investment Scheme (FIS) matapos ang isang amicable settlement.
Ipinag-utos ni Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Judge Esperanza Isabel Poco-Deslate ang pagbasura sa kaso na estafa laban kay Lourdes Baarde ang binansagang Forex Investment scheme queen at mga kasamahan na sina Rachel Chavez, Joel Domayan, Gerlinski Bravo, at Rebecca Venturado.
Ibinase ang nasabing utos sa “ex-parte motion to dismiss” na isinampa ng prosekusyon matapos nagfile ang mga complainants ng affidavits of desistance dahil sa kakulangan ng interest na ipagpatuloy ang kaso.
Nag-ugat ang verified complaint sa isinampang reklamo nina Christine Falcis, John Kim Lata, Reymus Briones, Elsa Orola, Michelle Alianza, Rio Briones, Arjun Ocampo, Kathlyn Mae Fuentes, Karen Therese Sumcad, Lucita Chu at Eugenio Chu lll.
Batay sa alegasyon ng mga complainant noong Abril 2018, nagpakilala si Baarde kabilang ang mga kasamahan bilang mga opisyales ng Forex Investment scheme corporation nga nagbibigay ng 30 porsyento interest rate sa kanilang ma-invest na pera.
Ipinangako rin aniya ni Baarde sa nasabing private complainant na safe ang kanilang investments kabilang na ang interes kada buwan.