-- Advertisements --

Ibinasura na ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 ang kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code na inihain laban sa actress at negosyanteng si Neri Naig-Miranda.

Kinumpirma ito ng kanyang abogado ngayong araw batay na rin sa post online ng kanyang asawa na si Chito Miranda.

Ayon sa korte, ang mga private complainants sa naturang kaso ay hindi kailanman niloko ng respondent.

Hindi rin iginiit ng mga complainants sa kanilang reklamo na nagkaroon sila ng personal na transaksyon kay Miranda o iniabot man lang ang pera dito.

Iginiit ng korte na nabigo ang mga nagrereklamo na patunayang guilty ang akusado na sangkot sa estafa partikular na sa kasong syndicated estafa.

Ayon sa abogado, ipinag-utos rin ng Pasay RTC Branch 111 ang pagbasura sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Chito sa mga sumuporta sa kanyang asawa matapos ang naging isyu.