-- Advertisements --

Minaliit lamang ng veteran promoter na si Bob Arum ng Top Rank ang inihaing kaso sa kanya ng dati niyang alaga na si WBO welterweight champion Terrence Crawford.

Una nang inakusahan ni Crawford si Arum sa pagiging “racial bias.” 

Kung maalala mula taong 2011 hanggang nitong nakalipas na dalawang buwan ay saka pa lamang nag-expire ang kanyang kontrata sa ilalim ni Arum.

Buwelta naman ni Arum, ang naturang reklamo ay bahagi ng “extortion” daw.

Depensa pa ng legendary promoter, hindi siya maaaring akusahan ng racial bias dahil sangkaterbang Black American boxers na umano ang kanyang hinawakan at ginawang kampeon. 

Dapat din daw si Crawford pa ang sisihin dahil sa kabiguan nitong “i-market” ang sarili at maihanay sa mga sikat na boksingero tulad nina Floyd Maweather Jr. , Manny Pacquiao at Canelo Alvarez.

Sinasabing kahit napakagaling ni Crawford at wala pang talo, mahina naman ang hatak nito sa mga fans lalo na sa pay-per-view dahil sa nakakaantok umanong istilo sa pagboboksing.