Kampante ang chief ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na manalo siya sa kasong isinampa sa kanya ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa mga naitalang nasawi kaugnay ng anti-dengue Dengvaxia vaccination program.
Ayon kay PCMC executive director Dr. Julius Lecciones, handa siyang sagutin ang kasong reckless imprudence resulting to homicide na isinampa labansa kanya.
Bukod kay Lecciones, kinasuhan din ng DOJ sina dating Health Sec. Janette Garin, at iba pang Health officials, at officers ng Dengvaxia manufacturer Sanofi Pasteur dahil sa mga alegasyon na ang administration ng dengue vaccine ay maiuugnay sa pagkamatay ng walong kabataan.
Sinabi ng DOJ na ang naturang mga respondents ay lumabag sa iba’t ibang regulasyon sa pagbili ng P3.5-billion halaga ng Dengvaxia noong 2016.