-- Advertisements --

Napasawalang sala na sa kasong kurapsyon si dating FIFA president Sepp Blatter at French footballer Michel Platini.

Sa inilabas na appeals court sa Muttenz, Switzerland, na nalinis ang pangalan ng dalawa dahil umano sa alegasyon ng pagbabayad ni Blatter kay Platini ng halagang mahigit $2 milyon.

Una ng na-acquit ang dalawa sa kasong fraud noong 2022 pero umapela ang Swiss federal prosecutors.

Mariing itinanggi ng dalawa ang nasabing alegasyon sa kaniya.

Nagsimula ang kaso noong 2015 ng ulanin ng mga alegasyon ng kurapsyon ang FIFA.

Dahil sa nasabing insidente ay napilitang magbitiw sa kaniyang puwesto si Blatter na nagtapos sa planong pag-upo rin sa puwesto ni Platini.