-- Advertisements --

DAVAO CITY – Giabsuwelto sa Korte Suprema ang kasong graft na isinampa laban kay Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr.

Sa mosyon na inilabas ng Korte Suprema, inihayag nito na nabigo ang prosecution na mapatunayan ang ugnayan ng dating kongresman sa alegasyon na kurapsyon sa naging kasunduan nito, mula 2003 sa pagitan ng Bureau of Corrections kon BUCOR at Tagum Agricultural Development Company, Inc. kon TADECO.

Ang naging kasunduan ay nauugnay sa 3-libo na ektaryang plantation na una ng naaprubahan noong 1969 at napatagal pa hanggang 25 taon noong 2003.

Unang naisampa ang kasong graft sa Office of the Ombudsman dating house speaker at kasalukuyang Congressman Pantaleon Alvarez.

Noong Agosto taung 2020 nagbaba ng desisyon ang Sandiganbayan at sinetensiyahan si Floirendo ng 6 na taong pagkabilanggo at perpetual suspension sa pag upo sa kahit na saang opisina ng gobyerno.

Ayon sa Korte, walang ebidenysa na magpapatunay sa pagtanggap ni Floirendo ng pinansyal na benepisyo mula sa joint venture sa BUCOR at TADECO.

Bigo rin umano ang prosecution sa pagpapatunay na may conflict of interest sa nasabing proyekto.