-- Advertisements --

Ikinukunsidera na ng Philippine National Police na solved na ang kaso sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay PNP CIDG Chief Police Director Roel Obusan sa sandaling maisampa na ang kaso laban sa mga naarestong suspek maituturing na solved na ang kaso.

Inihayag pa ni Obusan, kahit nasampahan na ng kaso ang mga suspek, tuloy pa rin ang binuong Special Investigation Task Group Bote sa pagtugis sa mga suspek na at large pa rin kabilang na ang mastermind na si Christian Saquilabon.

Sinabi naman ni PNP Chief Police Director Gen. Oscar Albayalde kasong murder isasampa laban sa mga suspek.

Dahil naman sa pakikipagtulungan ng komunidad kaya natukoy ang mga suspek sa pagpatay kay Mayor Bote.

Away sa negosyo ang nakikitang motibo ng PNP sa pagpatay kay Mayor Bote.