KORONADAL CITY – Umaabot na sa 109 katao na miyembro ng 4Ps ang dobleng tumanggap ng SAP mula sa DSWD.
Ito ang kinumpirma ni DSWD-12 regional director Cezario Joel Espejo.
Ayon kay Espejo nagmula ang mga beneficiary sa Aleosan, Pigcawayan at Banisilan sa North Cotabato at sa Bagumbayan sa Sultan Kudarat.
Alinsunod sa batas, ang mga 4Ps beneficiary ay tumanggap na ng SAP direkta sa kanilang ATM dahilan na hindi na sila pwedeng kumuha o pumila sa kanilang barangay.
Mayroon ding limang hindi miyembro ng 4Ps mula sa Tantangan at Koronadal City sa South Cotabato ang dalawang beses na tumanggap ng SAP.
Kaugnay nito, sasampahan ng kasong perjury at estafa ang mga maling beneficiary.
Sa ngayon nagpapatuloy ang monitoring ng DSWD sa buong Region XII para mapanagot ang mga nag-abuso sa programa ng gobyerno.