-- Advertisements --

Inihain na ng Department of Justice ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo at iba pa.

Kinumpirma ng DOJ na ang naturang kaso ay inihain sa Pasig RTC nitong Martes ng hapon.

Maliban kay Guo, kasamang kinasuhan sina Huang Zhiyang, na tinukoy ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) bilang boss of all bosses ng illegal POGOs, Zhang Ruijin, at Lin Baoying, at iba pa.

Matatandaan na inihain ang naturang reklamo ng PAOCC at PNP-CIDG noong Hunyo at isinumite para sa resolution noong Agosto 6.