Panibagong kasong kriminal na naman ang kakaharapin ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay matapos ipag-utos ng Department of Justice panel of prosecutors ang paghahain ng kasong Qualified Trafficking in Person laban sa dating alkalde.
Kung maaalala, inihain ng Presidential Anti Organized Crime Commission at PNP-CIDG ang naturang reklamo sa DOJ noong Hunyo.
May kinalaman ito sa umano’y ilegal na operasyon ng POGO hub sa bayan ng Bamban na sinasabing sangkot si Alice Guo.
Ayon sa Justice panel of prosecutors, matapos ang kanilang isinagawang preliminary investigation sa inihaing reklamo, nakitaan nila ito ng prima facie evidence .
Ibig sabihin, may sapat na batayan para i-akyat ang reklamo sa korte.
Sa susunod na linggo nakatakdang ihain ng DOJ ang kaso sa Tarlac RTC.
Kabilang sa mga kakasuhan ng DOJ ay si Dennis Cunanan na dating opisyal ng gobyerno at iba pang mga individual kabilang na ang ilang Chinese National
Tumanggi namang pangalan ni Ty ang iba pang individual na pinakakasuhan dahil baka wala pa ito sa lookout bulletin ng BI.
Samantala, sa sandaling maihain ang kaso sa Tarlac, hihilingin naman ng DOJ na mailipat ang pagdinig nito sa Manila RTC.
Layon nito na maiwasang maimpluwensyahan ni Guo ang magiging pagdinig ng kaso.